Si Sixto, hindi si Mac, ang Comelec chief – report

HINDI si Romulo Macalintal, kundi si Sixto Brillantes, isa ring beterano at batikang election lawyer, ang pinili ni Presidente Benigno Aquino III na maging pinuno ng Commission on Elections (Comelec).

Sa isang panayam sa Inquirer nitong Sabado ng gabi, sinabi ng 71 taong gulang na si Brillantes na pinirmahan ni Aquino ang kanyang appointment papers nito ring gabi ng Sabado.

Aniya, iaanunsiyo ng Palasyo ang pagpili sa kanya Linggo ng umaga.

Si Brillantes na tubong Santa, Ilocos Sur ay pampito sa 1965 Bar examinations.

Noong 2009, hinirang siya ng Korte Suprema bilang isa sa mga examiners ng Bar examinations sa political and international law.

Isa rin siyang certified public accountant. Nag-aral siya ng Bachelor of Science in Accounting at Bachelor of Laws sa San Beda College.

Naging legal consultant si Brillantes ng United Opposition na pinamumunuan ni dating Makati City mayor at ngayoý Vice President Jejomar Binay. (Para sa iba pang detalye ng background ni Brillantes, i-click ito)

Ang kanyang ama na si Sixto Sr. na mayapa na ay naging commissioner ng Comelec mula 1956 hanggang 1965.

Una nang ibinalita ang umanoý pagkatig ni Aquino kay Macalintal na maging chairman ng Comelec.

Maging ang ilang kongresista kabilang si Deputy Speaker Erin Tañada ay napabalitang dumepensa sa nasabing pagkatig kay Macalintal, dating abogado ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Samantala, opisyal nang tinggap ng Palasyo ang pagbibitiw ni Comelec chairman Jose Melo nitong hapon ng Sabado.

“We thank Justice Melo for his close to three years of service as Comelec Chairman. He leaves behind a distinguished record of public service, the highlight of which was the successful staging of the first fully automated national elections, widely acknowledged as the country’s cleanest elections in recent history,”ani Executive Secretary Paquito Ochoa sa isang pahayag.

“We wish Justice Melo and his family all the best,”dagdag pa ni Ochoa.

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply