Brillantes kabado sa bagong posisyon

AMINADO si bagong Commission on Elections (Comelec) chairman Atty. Sixto Brillantes na kabado siya sa kanyang bagong posisyon dahil malaking sakripisyo ang pagtanggap niya ng bagong tungkulin.

Sa isang panayam kay Chairman Brillantes, inihayag nitong ang hindi pagtanggap ng attorney’s fee ang pangunahing mawawala sa kanya.

Pero sa kabila nito, sinabi ni Atty. Brillantes na hindi siya makikilahok sa mga kaso kung may kinalaman dito ang dati niyang mga kliyente.

Nangako rin ang bagong Comelec chairman na isusulong ang electoral reforms sa Comelec.

Matatandaang nanumpa si Brillantes sa harap ni Supreme Court (SC) Associate Justice Eduardo Nachura.

Samantala, nangangamba si dating Commission on Elections (Comelec) Chairman Christian Monsod sa pagkakatalaga kay Brillantes bilang Comelec chairman.

Sinabi ni Monsod, may posibilidad na maiimpluwensiyahan umano ito ng mga dating pulitikong naging kliyente niya na sina dating Pangulong Joseph Estrada, dating ARMM Gov. Andal Ampatuan Sr. at Pangulong Noynoy Aquino.

Ngunit giit ni Brillantes, hindi ito makakaapekto sa kaniyang trabaho matapos nagbitiw na siya bilang adviser ng Nationalist People’s Coalition (NPC) at legal counsel ng United Opposiiton (UNO).

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply