Bucks inihaw ng Miami

MISTULANG tinusta ng Miami Heat ang Milwaukee Bucks sa overtime, 101-95 upang maitala ang kanilang 12th road winning streak at 20 panalo sa huling 21 laro sa NBA games.

Gaya ng inaasahan, muling bumida ang “Big Three” ng Miami, kung saan nagtala si Lebron James ng 26 points, 10 rebounds at 5 assists; si Chris Bosh, 16 points at 12 rebounds; at  Dwayne Wade, 14 points, 7 rebounds at 5 assists.

Rumehistro naman si Chris-Douglas Roberts ng 30 points at si Andrew Bogut, 12 points at 27 rebounds para sa Milwaukee.

Sa ibang laro, tambak sa Boston Celtics ang Toronto Raptors, 122-102, sa kabila ng hindi paglalaro ni Kevin Garnett dahil sa injury.

Anim sa Boston players ang nagtala ng double figure sa scoring sa pangunguna ni Paul Pierce na nagtala ng 20 points.

Nakuha ng Los Angeles Lakers ang tatlong sunod na panalo, pagkatapos ng dalawang sunod na talo, nang maungusan ang New Orleans Hornets, 101-97.

Limang LA Lakers players ang nagtala ng double figure sa scoring sa pangunguna ni Kobe Bryant na may 25 points; Pau Gasol, 21 points, 13 rebounds at 7 assists, samantalang si Andrew Bynum at Lamar Odom ay kapwa umiskor ng 17 points.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply