Bukidnon at Davao magkasunod nilindol

DALAWANG magkasunod na lindol ang naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology sa Bukidnon at Mindanao, madaling-araw ng Biyernes.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology , naitala ang unang pagyanig na may magnitude 2.6  bandang 1:18 a.m.

Ayon sa  Phivolcs bulletin, natagpuan ang epicenter nito sa  34 km northeast ng  Malaybalay, Bukidnon.

May magnitude 3.9 naman ang pangalawang pagyanig na naitala bandang 2:15 a.m., na may tectonic origin.

Natagpuan ang epicenter sa  177 km southeast ng Mati, Davao Oriental.

Samantala, nauna sa mga pagyanig, naitala naman ang isang  magnitude-2.1 quake sa Cagayan de Oro City bandang 6:19 p.m.  ng Huwebes na may epicenter na  14 km northeast ng  Cagayan de Oro City.

Nasa intensity II ang naranasan ng Malasag, Cagayan de Oro habang intensity I naman sa Cagayan de Oro City.

Wala namang napaulat na aftershocks at nasirang kagamitan. Marj Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply