Bulkang Taal nag-aalburuto

MULING nag-alburuto ang Bulkang Taal makaraang makapagtala ng anim na pagyanig sa paligid ng bulkan, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ayon sa Phivolcs, sa nakalipas na 24 oras ay namataan ang pagbuga ng usok na kulay asul sa bunganga ng bulkan.

Sinabi pa sa ulat na patuloy na nakataas ang alert level 1 sa paligid ng bulkan at mahigpit na ipinagbabawal ang paglapit ng tao sa paligid nito dahil sa banta ng pagsabog ng bulkan.

Kaugnay nito ay apat na pagyanig naman ang naramdaman sa paligid ng bulkang Mayon sa nakalipas na magdamag, ayon sa Phivolcs.

Nananatiling nakataas sa alert level 1 ang bulkang Mayon at mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa 6-kilometer radius permanent danger zone (PDZ) sa paligid ng bulkan.

Bukod sa pagyanig ay naitala din ang maliliit na pagsabog sa paligid ng bulkang Mayon sa nakalipas na 24 oras.

Ang bulkang Mayon ay itinuturing na isang active volcano dahil sa mga nakalipas na pag-aalburuto ng naturang bulkan.  Santi Celario

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply