Bull Run raragasa sa Linggo

RARAGASA na ang pang-anim na edisyon ng  Philippine Stock Exchange, Inc. (PSE), na tinawag na Bull Run Takbo Para Sa Ekonomiya sa Linggo (Enero 9) sa Bonifacio Global City sa Lungsod ng Taguig.

Ang taunang patakbo ay isang 4-in-1 footrace at bahagi ng kampanya ng PSE na maiparating sa publiko ang  kahalagahan ng stock market sa bansa at mapalaganap ang mabuting samahan ng mga kawani ng ahensiya.

Hahawakan ang  aspetong teknikal ng takbuhan ng Advertsing & Events Manila managing partners na sina  Mary Anne Ringor at Adlai Asturiano samantalang ito ay suportado ng Philippine Stock Index Fund (PSIF), Ayala, Citiseconline Stockbrokers, Century Tuna, Gatorade, ANC Businessworld, Manila Bulletin at Chris Sports.

Tampok sa takbuhang ito ang  16-kilometrong ruta, na may 10-km, 5-km at 3-km side events, kung saan ang registration fee ay P450.

Hinihikayat ang mga nagnanais na lumahok na magpatala bago ang deadline period bukas, Lunes, alas-5 ng hapon.

Sa karagdagang impormasyon, tumawag sa mga sumusunod na numero (02)363-3738/366-1153, 0918-4674206/0922-8304381 at 0922-8843477. Ed Paez

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply