Bulsa ng mga liyamadista nabutas kay Angel Eunice

MATAPOS ipakita ni jockey Dominador H. Borbe ang mala anghel na pagdadala sa kabayong Angel Eunice ay nagsabugan naman ang bulsa ng mga liyamadista ng tawirin nila ang meta sa naganap na Special Class Divisions 23-22A-21A-20-19-19AB noong Linggo sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Isa sa pinakadehadong kabayo si Angel Eunice kaya naman sa kanyang pagkakapanalo ay naging dahilan na rin upang magkaroon ng carry over sa unang set ng Winner Take All.

Sa huling kurba sumisingit na sa balya sina class B rider Borbe at ang nirerendahang si Angel Eunice upang makipagbakbakan ito kay Botbo na nasegundo sa laban.

“Nararamdaman ko na may lakas pa si Angel Eunice kaya kahit masikip pinilit kong  makalusot,” masayang paliwanag ni Borbe.

Umoras si US breed Angel Eunice ng 1:41.8 sa distansyang 1,600 meter race.

Tumersero si Go Topless habang pang-apat at pang-limang puwesto sina Our Solemn Prayer at ang na liyamadong si Dailies ayon sa pagkakasunod.

May carry over na P2,031,153.90 at sa pagbabalik ng karera sa nasabing pista ay idadagdag ito sa exotic bet na WTA.

Samantala, kay Aloha naging zero ticket sa WTA nang manaig ito sa Class Division 2 sa race 5 ng programa ng karera. Elech Dawa

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply