Buong Makati naka-half-mast ngayong Biyernes

BUNGA ng paggunita sa mga biktima ng Newman bus bombing at Eton tragedy, inilagay sa half-mast ngayong araw ang bandila ng Pilipinas sa mga pampublikong gusali at paaralan sa buong lungsod ng Makati.

Unang  idineklara ni Makati City Mayor Jejomar Erwin Binay bilang “day of mourning and prayer” ngayong araw ng Biyernes kasunod ng serye ng malagim na trahedyang magkasunod na nangyari sa lungsod.

Nitong nakaraang Martes, lima katao ang namatay at 13 iba pa ang sugatan matapos na sumabog ang isang 81mm mortar sa isang pampasaherong bus sa kahabaan ng EDSA-Buendia Avenue.

Kahapon naman, 10 construction workers ang namatay matapos  bumagsak ang gondola na sinakyan ng mga ito sa pinapatayong Eton Residences sa panulukan ng Paseo de Roxas at Gallardo streets.

“We will remember the victims and pray for peace in our country,” ayon sa pahayag ni Mayor Binay.  Johnny F. Arasga

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply