Jeep at bus nagsalpukan, 15 sugatan

TINATAYANG 15 ang nasugataan makaraang magbanggaan ang isang pampasaherong jeep sa isang pampasaherong bus sa Quirino Highway malapit sa kanto ng Regalado Ave. sa Fairview, Quezon City, 6:00 ng umaga ng Lunes.

Nabatid  kay Police Officer 3 Ferdinand Paglinawan ng Quezon City Traffic Sector II, isinugod ng Quezon City Rescue Team at Metro Manila Development Authority (MMDA) Rescue Unit ang mga sugatan sa East Avenue Medical Center.

Ayon pa kay Paglinawan, pawang mga pasahero ng jeep ang mga sugatan kung saan ang iba’y tumilapon pa sa lansangan habang ang tsuper na si Esteban Guilalas ay may 30 minuto pang naipit sa minamanehong jeep.

Hindi naman nasaktan ang driver ng EPJ Bus na si Solmeo Magundayao habang dumaing ng pananakit ng katawan ang konduktor nito na si Zenaida Salisi.

Inihayag ni Paglinawan na lumitaw sa inisyal na imbestigasyon na nawalan ng preno ang jeep na biyaheng Bayan Novaliches kaya bumangga sa likuran ng bus na biyaheng Quiapo. Marj Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply