Bus dapat lagyan ng CCTV— Elpidio Barzaga

SINABIHAN ni Cavite Rep. Elpidio “Pidi” Barzaga ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na obligahin ang lahat ng pampasaherong bus na maglagay ng closed-circuit TV video cameras o CCTV para sa kaligtasan ng mga pasahero.

Bukod dito, kailangan din aniyang palagyan ng LTFRB at local government units (LGU) ng CCTV cameras ang mga terminal at hinihintuan ng mga bus.

Sinabi pa ni Barzaga na ito ay makatutulongsa pagsugpo sa terorismo at kriminalidad. Aniya, aabot lamang mula P15,000 hanggang P30,000 ang magagastos ng isang operator sa pagbili at pagpapakabit ng CCTV sa bawat bus.

Dagdag pa niya na dapat isipin ang  kaligtasan ng publiko dahil ito rin ay bahagi ng pag-iingat sa mga ari-arian ng mga operator.

Ito ay iminungkahi ni Barzaga matapos maglabas ng pahayag ang Pangulong Aquino tungkol sa pag-aalok ng gobyerno ng P1 milyong pabuya para sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa ikahuhuli ng dalawang suspek sa bus bombing sa Makati City nitong Enero 25, 2011.

Ayon kay Barzaga kung maisasapubliko ang mga larawan ng suspek na kuha sa CCTV sa media ay makatutulong ito sa agarang ikadarakip sa mga suspek.

Inihalimabawa nito ang bombing sa Britanya, kung saan ang mga bomber ay nasabat sa London subway sa pamamagitan ng CCTV camera  bago pa man naisagawa o naikabit ang pampasabog.

Sa kakulangan aniya ng pulis malaking tulong ang CCTV cameras sa mga pampasaherong bus dahil sa ngayon ay mangangailangan aniya ng 10,000 bagong  police recruits taun-taon para maabot ang 1:500 ratio sa taong 2017. Meliza Maluntag

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply