Bus drivers hihigpitan ng DOTC

DAHIL sa sunod-sunod na mga aksidenteng kinasasangkutan ng mga bus, hihigpitan ng Department of Transportation and Communications (DOTC) ang mga patakaran na pipili kung maaaring magmaneho ng bus o hindi ang isang drayber.

Magsasanib-puwersa ang DOTC at Land Transportation Office (LTO) sa pagporma ng bagong reglamento na mag-aatas sa mga drayber na dumaan sa isang “road safety” seminar  mula sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Kailangan umanong magsumite ang mga drayber ng bus ng sertipikasyon mula sa TESDA bago sila pahintulutang makapagmaneho ng bus at makapag-renew ng kanilang lisensya.

Marami na umanong buhay ang nasayang nitong nakaraang taon dahil sa mga aksidenteng kinasasangkutan ng mga bus.

Marami sa mga kasong ito ay dahil sa kapalpakan ng mga drayber at hindi maayos na pagmintine ng mga bus. Ben Reyes

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply