Bus nahulog sa Quezon, 20 sugatan

TINATAYANG 20 ang nasugatan makaraang mahulog sa bangin ang isang bus na may biyaheng Ormoc papuntang Manila na may 30 taas sa Quezon province, umaga ng Lunes.

Ayon kay PO2 Frederick Elardo , bandang 7:30a.m. nang mahulog ang bus habang binabagtas ang papalikong daan sa Pagbilao.

“Isang Eagle Star Bus from Ormoc to Manila, ito nawalan ng preno at nahulog sa ravine more or less 30 feet deep,” ayon kay Elardo sa isang panayam sa dzBB.

Nabatid na wala namang napaulat na namatay sa nasabing insidente kung saan bahagya lamang ang natamong sugat ng mga biktima na agad namang naagapan at naitakbo sa ospital.

Ayon pa kay Elardo, pinaghahanap pa ang driver ng naturang bus na nakilalang si Santiole Pepito.

“Maaring tumakas pero sabi ng kasamahang driver napunta sa hospital,” dagdag pa nito.

Sabi pa ni Elardo, posibleng ang madulas na daan ang dahilan kung bakit nahulog ang naturang bus kung saan umuulan noong nang mangyari ang aksidente. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply