Butuan City inuulan, klase suspendido

SINUSPINDE ngayon ang lahat ng klase sa elementarya at sekondarya sa Butuan City bunsod ng paglakas ng ulan.

Nabatid kay Ysrael Reveche ng Department of Education-Butuan City Division, ito ay base na rin sa ipinag-utos ng division superintendent makaraang maglabas ng news update ang Philippine Atmoshpheric Geophysical and Astronomical Services (PAGASA) na may namumuong low pressure area sa kanilang lugar.

Matatandaang sinuspinde na rin ang klase sa lungsod bunsod ng pag-ulan nang mga nakaraang araw. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply