Byuting kulasisi, binebeybi ng PSC official?

NABULGAR na isa umanong opisyal ng Philippine Sports Commission (PSC) ang nagsasama ng ‘kabit’ sa mga laro ng national team sa iba’t ibang kompetisyon sa Asya.

Isiniwalat ng isang source na may isa ring opisyal ang minsa’y nagsama ng kanyang seksing kulasisi sa Olympics kung saan patay-malisya na lamang ang mga atleta kahit na alam nilang ang ipinanggastos dito ng babaerong official ay mula umano sa pondo ng ahensya.

Nagiging open secret na umano sa mga empleyadong mas mababa ang ranggo sa PSC ang gawain ng opisyal na ito.

Sa tuwing nakikita nila ang dalawa ay tumataas na lamang ang kanilang kilay, sabay sabing “daig pa ang bagong kasal sa sobrang sweet! Pero ang ginagastos nila ng mamang iyan ay pera ng mga manlalaro!”

Kaya naman, hindi na rin pumapalag ang opisyal kapag nagbibitbit naman ng mga asungot sa iba’t ibang events ang mga kapwa niya opisyal dahil maging siya ay mayroon din at ang matindi ay kilalang may elicit relationship sila.

“Madalas niyang isinasama ang kanyang betka, mabuti pa nga ang bata niya ay nakakasama sa mga lakad niya eh, samantalang ‘yung misis niya ay hindi,” pagbubulgar ng source sa Remate Sports.
“Nakakatunog na raw ang misis nito pero dahil wala namang ebidensya, hindi na lang ito kumikibo. Mahusay din naman daw magbigay ng obligasyon niya si PSC official.”

Hindi nga daw malaman ng mga atleta kung saan ba nauukol ang puso ng sports official na ito: sa sports nga ba o sa kanyang kulasisi?

Kasabay nito, nananawagan ang mga kritiko kay PSC chairman Richie Garcia na pagulungin na lang ang ulo ng mga taong hindi naman sa kanya dahil tiyak na gigisahin siya ng mga ito sa sarili niyang mantika.

“Huhudasin siya ng mga iyan. Gagawa sila ng senaryo dahil alam na nila kung paano palabasing malinis ang mga kabalbalan nila, sanay na sila sa ganyan. Eh si chairman, ‘di sanay ‘yan kaya tiyak na ang mga buwayang iyan ang magpapahamak sa kanyang liderato,” diin pa ng mga kritiko.

“Kaya, habang maaga pa, dapat sibakin na sila sa puwesto at nang ‘di pamarisan ng iba!”

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply