CA justice, dapat kusang umatras sa kaso ni Willie Revillame

SAGLIT naming nakatsikahan si Willie Revillame sa kanyang programang ‘Willing Willie’ ng TV 5. Tinanong naming  kung ano ang kanyang birthday wish sa nalalapit niyang kaarawan sa January 27.

“Basta masaya lahat,” bulalas niya.

Anyway, hindi lang kotse ang ipinapa-raffle ngayon sa kanyang programa dahil bago sumapit ang kaarawan niya ay magpapa-raffle din siya ng house and lot sa mga audience ng kanyang programa.

Samantala, tungkol naman sa kaso ng magaling na TV host, hiniling ni Willie  at ng kanyang mga abogado na mag-inhibit o kusang umatras si Justice Samuel Gaerlan sa pagdinig ng kaso ni Willie na ngayon ay nakabinbin sa Court of Appeals.

Matatandaang noong Oktubre ng nakaraang taon, nagsampa si Willie ng kaso sa Regional Trial Court ng Quezon City kung saan kanyang hiniling sa naturang korte na kumpirmahin nito ang pagkaka-kansela ng kanyang kontrata sa ABS-CBN. Inakyat ng ABS-CBN sa Court of Appeals ang ilang isyu sa kaso, at ito ay napunta sa Fourteenth Division kung saan si Justice Gaerlan ay ang itinalagang nakababatang miyembro.

Napag-alaman ng mga abogado ni Willie na si Justice Gaerlan pala ay pinsan ng asawa ni Atty. Rodel Cruz na isang senior partner sa Villaraza, Cruz, Marcelo and Angangco Law Office, na siya namang kumakatawan sa ABS-CBN sa kasong ito. Bukod pa dyan, ang nasabing pinsan ni Justice Gaerlan ay empleyado ng ABS-CBN.

Sa ilalim ng ating batas, ang pagiging malapit na mag-kamag-anak nina Justice Gaerlan at Atty. Cruz ay sapat na dahilan upang hilingin ang kusang pag-atras ni Justice Gaerlan sa kaso at ipaubaya na lamang sa ibang hukom ang pagdinig dito.

Sa isang walang kaugnay na kaso kung saan sangkot ang ABS-CBN at GMA-7, nag-inhibit si Justice Gaerlan sa kaparehong dahilan, at yan nga ay dahil pinsan nya ang asawa ng isang abogado ng ABS-CBN.

Ayon sa abogado ni Willie na si Attorney Paul Bongco, matindi ang pagsubaybay ng publiko sa kasong ito, kung kaya’t napakahalaga aniya na ang mga mahistrado ay hindi mabahiran ng anumang hinala ng pagpanig sa sinumang kasangkot sa kaso.

MAY KILIG FACTOR NA SINA WILLIE AT SHALANI

May kilig factor na sina Willie Revillame at  Shalani Soledad pag nagbibiruan sila at pinag-uusapan ang lovelife sa ‘Willing Willie’.

Hindi naman ito nakakapagtaka, sa araw-araw  ba naman na  kinukulit at sinusuyo ni Willie on  and off  cam, sino ang hindi mahuhulog ang  loob ? Nu’ng Thursday ay  tinanong pa ni Willie si Shalani na kung yayain siyang pakasal, papayag ba siya? Magaling ding sumagot si Shalani ng ‘one , two, three, go!’ kaya hiyawan at sigawan sa loob ng studio.

Anyway,  inihahandog din kaya ni Will ang kanta niyang ‘I Love You’ kay Shalani? Humahataw  ngayon ang sales ng kanyang album na ‘I Love You’ under Viva Records.

‘Yun na!

-o0o-

Sa mga taga-Bulacan na potential na maging modelo at artista, may go-see para  sa Asia Pacific Bikini Summit 2011.Directed by Ian Valdez, gaganapin ito sa January 16, 2011 sa Blk 20 Lot 20 Graceville, San Jose, Del Monte, Bulacan (Malapit sa Marilao exit going to Divine Mercy infront of Florida villas, Brgy Loma De Gato), 2p.m. to 6p.m. Magdala ng swimwear,( babae at lalaki)  at larawan.

Tsuk! Roldan Castro

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply