Cabagnot salot sa Ginebra

NASUNGKIT ng San Miguel Beer (SMB) ang Game 1 sa best-of-seven series ng semifinals kontra Ginebra Gin Kings ng Philippine Basketball Association (PBA) All-Filipino Cup.

Ginawang tanga ni Alex Cabagnot ang mga manlalaro ng San Miguel matapos itong pumuntos ng dalawang sunod sa huling segundo ng fourth quarter na naghatid sa panalo ng Beermen, 86-84.

Hindi nai-execute ng tama ng Ginebra ang kanilang huling ball possession kung saan may pagkakataon sana silang maipanalo ang laban.

Maliban kay Cabagnot na umiskor ng 15 points, nagdagdag din si Jay Washington ng kabuuang 19 na puntos para sa tagumpay ng SMB.

Samantala, bumawi naman ang defending champion B-Meg Derby Ace makaraang talunin ang Talk ‘N Text, 88-87.

Si Peter June Simon ay nakapagtala ng 28 points sa panalo ng Derby Llamados.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply