Calibration ng mga taxi, sinimulan na

SINIMULAN na ng Land Transportation Franchising & Regulatory Board (LTFRB) ang calibration ng mga taxi meters para sa P40 na flag down rate ngayong Lunes.

Ayon kay LTFRB Chairman Nelson Laluces,  itnakda nila sa 300 taxi unit ang kanilang ika-calibrate araw-araw.

Pinaalalahanan ni Laluces ang publiko na tanging ang mga mayroong dilaw na sticker na taxi lamang  ang may karapatang maningil ng P40.00-flag down rate.

Muling pinayuhan ni Laluces ang publiko na ireklamo ang mga abusadong drayber na agad magtataas ng singil kahit di pa nakasusunod sa ipinatutupad na regulasyon ng LTFRB sa pamamagitan ng pagtawag o
pag-text sa LTFRB hotlines 0921-448-77-77 at 426-25-15 o sa Department of Transportation and Communication (DOTC) hotline 78-90.  Johnny F. Arasga

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply