Calibration ng taxi aabutin pa ng 4 buwan

POSIBLENG abutin pa ng apat na buwan ang isinasagawang calibration ng mga metro ng taxi sa tanggapan ng Land Transportation & Franchising Regulatory Board (LTFRB).

Inamin kanina ni LTFRB Chairma Nelson Laluces na 300 pa lamang mula sa 25,000 na taxi ang kayang i-calibrate ng kanilang tauhan kada araw.

Nangangahulugan lamang na ang mga taxi na hindi pa naka-calibrate ay hindi pa maaaring magdagdag-singil sa pasahe.

Nilinaw naman ni Laluces na marami sa mga taxi driver ang sadyang nagpapahuli sa pagpapa-calibrate dahil walang sumasakay sa kanila kapag nakita sa windshield ang sticker na nakapag-calibrate na ng metro. Johnny F. Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply