Caloocan City Police binalasa

BINALASA ng pamunuan ng Caloocan City Police ang ilan sa kanilang matataas na puwesto matapos ang pagkakabulgar sa ilang tauhan na nasangkot sa paggamit ng iligal na droga.

Sa ipinalabas na kautusan ni Caloocan City Police Chief, Senior Supt. Jude Wilson Santos, kabilang sa mga nailipat ng posisyon ay si Supt. Carlito Dimalanta mula sa pagiging Assistant  Chief of Police for Operation ay napunta naman sa Assistant Chief of Police for Administration  at Sub-Station 3 commander.

Nailipat din ng tungkulin sina Chief Insp. Cresencio Galvez ng dating hepe ng Intelligence Branch at ngayon ay gagampanan ang pagiging (ACOPO) at Sub-Station 1 commander; Chief Insp. Eduardo Villanueva, mula sa pagiging deputy commander ng Sub-Station 2 maililipat naman sa Sub-Station 1.

Maililipat naman mula sa pagiging deputy commander ng Sub-Station 1 ay mapupunta sa Station Logistics Branch (SLB) si Chief Insp. Florante Santos habang si Sr. Insp. Ronald Perilla na mula sa Warrant and Subpoena Section (WSS) ay maililipat bilang commander ng Sub-Station 2.

Mapupunta naman sa Intelligence Branch si Sr. Insp. Gaylord Tamayo mula sa puwesto nito bilang hepe ng Mobile Bike Patrol Unit (MBPU) at Special Weapon and Tactics (SWAT) samantalang si Sr. Insp. Allan Emlano ay magiging hepe naman ng MBPU at SWAT habang si Sr. Insp. Reynaldo Valdez ay itinalaga naman bilang hepe ng WSS at Station Police Training Unit.

Samantala, si PO2 Jasper Gaton na mula sa Intelligence Branch ng Anti-Carnapping ay mapupunta sa Sub-Station 1 at si PO1 Femar Taguinod na mula sa intelligence ng Sub-Station 3 ay nailipat naman sa Intelligence Branch ng Anti-Carnapping.

Ayon kay Santos, ang ginawang balasahan sa liderato ng Caloocan City Police ay isang paraan upang maiayos ang buong hanay ng lokal na pulisya. Rene Manahan

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply