Camp Crame at Camp Aguinaldo di dapat ibenta – Rep. Mandanas

BAHAGI ng kasaysayan ng demokrasya sa Pilipinas ang Kampo Aguinaldo at Kampo Crame na hindi dapat ibenta, paupahan, ipagpalit o isailalim sa isang joint venture.

Ito ang nakapaloob sa House Bill 3938 na inihain ni Batangas Rep. Hermilando Mandanas na nagsusulong na ideklarang “historical and national cultural treasures” ang dalawang kampo.

Ang Kampo Aguinaldo na may 178 ektarya ay siyang military headquarters ngayon ng Armed Forces of the Philippines samantalang ang Kampo Crame na may 33 ektarya ay siyang headquarter naman ng Philippine National Police at pareho itong nasa EDSA.

Binigyang diin ni Mandanas sa kaniyang panukala na ”Camp Aguinaldo and Camp Crame shall be beyond the commence of man and shall not be subject to any form of disposition like sale, exchange, lease or joint venture.”

Ang Camp Aguinaldo ay mas kilala noon bilang Camp Murphy o isinunod sa pangalan ng pinakahuling Governor General ng Pilipinas na si Frank Murphy subalit kalaunan ay pinalitan ito ng pangalan at isinunod naman sa kauna-unahang
Presidente ng Pilipinas na si General Emilio Aguinaldo at ang Camp Crame ay isinunod naman sa pangalan ng kauna-unahang Filipino Brigadier General ng Philippine Constabulary na si Rafael Crame.

Sinabi pa ni Mandanas na sa pangangalan ng pondo sa pamamagitan ng kikitain sa pagbebenta o pagpapaupa ng mga kampo ng militar ay dapat lamang aniyang huwag isali sa planong ito ang dalawang kampo.

“ Camp Aguinaldo and Camp Crame  have to be excluded to preserve our national heritage.The unquantifiable value of dignity cannot be measured in terms of pesos,” sinabi pa ni Mandanas.Ang panukala ng kongresista ay kaniyang inihain sa gitna ng samu’t saring panukala na ibenta o paupahan ang ilang kampo ng militar upang may magamit para sa modernisasyon ng sandatahang lakas ng bansa.  Meliza Maluntag

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply