Camp for sale, rent labag sa batas —Lagman

LABAG sa batas ang anumang plano ng gobyerno na ibenta o paupahan ang anumang bahagi ng Kampo Crame o Kampo Aguinaldo gaya ng nais ng Malakanyang.

Ayon kay House Minority Leader Edcel Lagman, dadaan pa sa pag-aapruba ng Kongreso ang anumang hakbang hinggil dito batay na rin sa Section 48 ng Administrative Code ng 1987 Constitution.

” No Executive official, including the President , can sell, lease or encumber Camp Aguinaldo and Camp Crame or portions thereof without any authority from Congress through an enabling statute or law,” giit pa ni Lagman.

Maging ang Korte Suprema aniya ay nagdesisyon na sa maraming kaso kung saan pinapayuhan ang ehekutibo na kumuha muna ng legislative authority bago magbenta o maglipat ng anumang pag-aari ng gobyerno lalo na kung ito ay itinuturing na patrimonial properties ng estado.

Aniya, hindi sakop ng kapangyarihan ng pangulo na magdesisyon sa mga valuable properties ng gobyerno lalo na kung walang batas hinggil dito.

Katunayan, sinabi ng kongresista na bago ibenta ang ilang bahagi noon ng Fort Bonifacio at Villamor Airbase, pinagtibay muna ng Kongreso ang Republic Act 7227 o ang Bases Conversion and Development Act of 1992.

Pero sa ilalim aniya ng naturang batas, hindi kasama sa mga ibebenta o parerentahan ang Kampo Aguinaldo o Kampo Crame at iba pang military camp sa Metro Manila. Meliza Maluntag

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply