Car racer champ pumasok sa Top 10 ng La Salle fun run

NATAPOS na 5th over-all sa katatapos na One La Salle Marathon na ginanap sa SM Mall of Asia  si former champion ng Asian Ferrari Challenge Cup noong 2005-2006 na si  Renan Morales.

Ayon sa 30-year old na si  Morales, ginagawa niya ang paglahok sa iba’t ibang off track sports bilang paghahanda niya sa nalalapit na  pagbabalik sa mundo ng car racing.

Tumapos ang dating car race champion sa oras na 40:10 minutes sa 10-k run sa kabila na kulang na kulang ang kanyang preparasyon na ilang buwan para sa marathon.

“Pinapasalamatan ko si coach Ernie Candelario, multiple gold medalists sa 400 meter sprint,  dahil sa mga technique at tamang paghahanda na itinuro niya sa akin upang matapos ko ng maganda ang marathon race,” ani Morales na nagsabi  na kung nakuha niya ang top prize ay idodonate niya ang premyo sa CARE o Central Luzon Drug Rehabilitation Center.

“I’ve been joining fun runs for a cause, this time I’d like to help out on foundations that rehabilitates alcoholics and drug dependents. Running is part of my preparation for a comeback,” wika ng multiathletes na si Morales.

Kamakailan ay pinangunahan ni Morales ang pamimigay ng mga food supplement  sa mga miyembro ng dragon boat national team na mga kababaihan.

Marami ang humahangang atleta kay Morales dahil sa lahat ng atleta ay siya lang ang nakikita nilang may pusong tumulong para sa mga atleta.

“Sa ngayon, bibihira ang mga atleta na gustong tumulong sa kapwa niya atletang nangangailangan kagaya nitong si Morales,” wika ng mga dragon boat ladies.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply