Car sales manager, kinidnap

ISANG panibagong istilo ng kidnapping ang ibinabala sa publiko ng isang ama matapos mawala ang kaniyang anak na car sales manager noong Huwebes.

Humingi ng tulong sa reporter ng Manila Bulletin na si Ben Rosario si Aresenio “Boy” Evangelista kaugnay sa diumano’y pagdukot sa kanyang anak ng mga hindi pa nakikilalang kalalakihan na nagpanggap na bibili ng sasakyan.

Si Venson Evangelista, 30, ay sapilitan umanong dinala ng may apat na kalalakihan kung saan ang dalawa rito ay sumama pa umano para sa test drive ng isang 2009 Toyota Land Cruiser sa pagitan ng alas 4:00 hanggang 4:30 ng hapon sa kahabaan ng Sgt. Juan Catolos, Cubao, Quezon City.

Nananawagan ang matandang Evangelista sa mga suspek na palayain na si Venson kahit hindi na umano ilutang ang ibinibentang sasakyan na nagkakahalaga ng mahigit sa P3-milyon.

Malaki ang paniwala ng ama ng biktima na ang sasakyan talaga ang pakay ng mga suspek at sapilitan lamang dinala ang kaniyang anak upang palabasing ito ay kidnapping.

“My son’s safety is of utmost importance. His children and the entire family are waiting for his return. I appeal to the suspects to release my son and just keep the car,” pakiusap pa ni Evangelista.

Ang biktima ay may 5’8” ang taas, fair skinned, medium built at medyo mahaba ang buhok.

Ayon pa kay Evangelista, nakipagkita ang kaniyang anak sa dalawang suspek sa kanilang bahay sa Cubao. Ang isa sa mga suspek na mukhang homosexual ang siyang nagkunwang buyer at ipinakilala naman ang kasama na isang mekaniko.

Sinamahan naman daw ng batang Evangelista ang dalawa para sa isang test drive sa kulay gray na Land Cruiser na may plakang NAI- 316.

Isang testigo umano ang nagsabing nagkaroon pa ng komosyon sa loob ng Land Cruiser hanggang sa isang SUV na Mitsubishi Pajero ang biglang dumating at dalawang sakay nito ang  biglang pumasok sa Land Cruiser bago ito pinaharurot patungong EDSA.

Sinubukan nilang kontakin ang mobile phone ng biktima subalit ito ay nakapatay na. Meliza Maluntag

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply