Caraga nagmimistulang ‘green killing field’

ANG pagpatay sa isa pang forest guard sa kagubatan ng  Surigao del Sur ang nagtulak kay Environment Secretary Ramon Paje para mabahala lalo’t itinuturing nang killing field ang Caraga region.

Sa ngayon,  ang illegal loggers aniya ay umupa ng mga armadong kalalakihan para mabawi ang kanilang operasyon doon.

Sinabi ni Paje na nakaaalarma na ang “culture of impunity” na dinadanas ng rehiyon sa kamay ng illegal loggers.

Sinabi rin ni Paje na tinatarget na nila ang nagbibigay ng protekyon at financiers sa illegal loggers sa rehiyon.

Si Forest Ranger Jacinto Dragas ang pang-apat na kaswalidad sa loob lamang ng anim buwan matapos ikasa ng DENR ang panibago at pinalakas na kampanya laban sa illegal logging sa naturang rehiyon.

Binoga at napatay si Dragas noong nakaraang Huwebes ng tatlong hindi  nakikilalang kalalakihan na armado ng kalibre 45, habang kumakain sa kanyang bahay sa Barangay Tabon, Bislig City.

Sinabi ng DENR na bago napatay si Dragas, inaresto nito ang isang trak na lulan ng 305 pirasong hinihinalang illegally-cut lauan at toog timber – isang premium hardwood species.

Nasa isang checkpoint si Dragas sa Barangay Tabon. Ang parte ng kanyang tungkulin ay i-intercept ang tunatawag na hot logs na dinadala sa Davao City.

Ang iba pang napatay sa katulad na insidente ay sina forest workers Rolando Sinday at Nelson Luna. Si Police officer Christopher Mazon ay napatay ng isang sniper habang kasama ang  ilan sa mga DENR operatives.

Ang Caraga region  sa Mindanao ay kinabibilangan ng probinsiya ng  Agusan del Norte, Agusan del Sur, Surigao del Norte, Surigao del Sur, at Dinagat Islands. Robert C. Ticzon

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply