Carjacker leader posibleng makalusot dahil sa whitewash

PINANGANGAMBAHANG posibleng magkaroon ng “whitewash” na makapagbabalewala sa mga kasong isasampa laban sa carjacker leader na nasakote sa Dasmarinas, Cavite, Biyernes ng madaling-araw.

Batay sa source ng Remate.ph, kabilang sa mga nadakip ang carjacker leader na si Ronaldo Santiago Alyas “Onad” at kasalukuyang binibigyan umano ng “special treatment sa tanggapan ni Pasay City Police Chief Napoleon Cuaton.

Nagkaroon ng agam-agam ang ilang miyembro ng Pasay City Police dahil pito sa kasamahan ni Onad ay nakapiit sa detention cell ng Criminal Investigation Division (CID) at bukod tangi lamang kay Onad na dinala at nagpapahinga sa tanggapan ng chief of police.

May nakalap na ulat,  na si “Onad” umano ay isang carjacker kung saan kumikilos ang kanyang grupo sa kalakhang Maynila at karatig lalawigan dahil isa umanong Heneral ng PNP ang nasa likod ng sindikato.

Nanawagan ang ilang concerned citizen sa pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na bantayan ang lider ng carjackers sa pangambang mawalan ng kabuluhan ang pagsisikap ng mga awtoridad na nagsikap na umaresto sa suspek. Johnny F. Arasga

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply