Carjacker todas sa shootout

PATAY ang isang miyembro ng carjacking syndicate, habang isa pa ang sugatan, matapos makipagbarilan sa kagawad ng Pampanga police, Martes ng umaga.

Ayon kay Pampanga police deputy director for operations Supt. Benjamin Villasis, una na umano silang nakatanggap ng “flash alarm” kaugnay sa ninakaw na Honda Civic sedan mula sa bayan ng Angat.

Nang mamataan ng kanilang mga tauhan ang nasabing kotse sa Sta. Ana, Pampanga ay agad nilang hinabol ang mga salarin, pero sa halip na sumuko ay nakipagbarilan sila sa mga pulis, ikinamatay ng isa.

Inaalam pa ang pagkakilanlan ng napatay na carjacker. Gwenn Salamida

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply