Carjacking incidents sunod-sunod, lumalala

ISANG Toyota Land Cruiser na pagmamay-ari ng pinsan ni defeated vice presidential candidate Manuel “Mar” Roxas II ang na-hijack sa Makati City nitong Miyerkules, Enero 19.

Nangyari ang insidente bago mag-ala-una ng hapon nang inaabangan ng driver ng sasakyan na si Roberto Villanueva ang kanyang among si Margarita “Gaita” Araneta Fores na lumabas mula sa pagmamay-ari niyang restaurant sa nasabing siyudad.

Sa panayam ni Fores sa mga mamamahayag, sinabi niyang titutukan ng baril si Villanueva sa kanyang leeg ng isa sa mga carjackers. Ang isa pa sa mga suspek ay nagbanta naman sa driver ni Fores na papatayin niya ito kung di ibibigay ni Villanueva ang susi ng kotse na may plate number na ZTG-747.

Kinuha din nga mga suspek ang cellphone ni Villanueva, ayon kay Forres, may-ari ng Cibo restaurant, at granddaughter ni Amado Araneta na siyang nagpagawa ng Araneta Coliseum.

Ang insidente ay kasunod ng malagim na pagkamatay ng dalawang car dealers. Una ay si Emerson Lozano na anak ni Oliver Lozano, dating abogado ng mga Marcos, at ang kanyang driver na si Ernani Sensil.

Sinunog ang mga labi nina Lozano at Sensil na sumama sa pag-test drive ng prospective buyer ng isang Kia Carnival van noong isang linggo. Natagpuan ang sunog na katawan ni Lozano sa Porac, Pampanga noong Enero 14, samantalang ang labi ni Sensil ay natagpuan sa La Paz, Tarlac noong Enero 13.

Isa pang car dealer, si Venson Evangelista, ang natagpuang patay at sunog ang katawan nitong Martes, Enero 18 sa Cabanatuan,Nueva Ecija. Sinamahan din niya ang prospective buyers ng ibinebenta niyang Toyota Land Cruiser.

Nauna rito ang insidente sa Brgy. Sto Niño, Hagonoy, Bulacan kung saan apat na suspected carjackers ang nagkunwaring bibili ng Isuzu Altera ni Monica Atienza, isang overseas Filipino worker noong Enero 12.

Isinama ni Atienza ang kanyang mga anak na si Mark Joshua, 7, at Irish Camille, 6, at ang kanyang kamag-anak na si Carol Lugi, 60, sa pagte-test-drive ng sasakayan kasama ang mga suspect. Di na nakabalik si Atienza at ang tatlo pa niyang kasama na kalauna’y natagpuang nakagapos at may busal sa Victoria, Tarlac.

Noong 2010, nakapagtala ng 918 kaso ng car theft ang Philippine National Police (PNP)-Highway Patrol Group.

Sa National Capital Region may pinakamataas na bilang ng car theft cases na pumalo sa 646 noong nakaraang taon. Sinundan ito ng Southern Tagalog na may 110 cases, at North Central Luzon na may 84 cases.

Noong 2010 din, ayon sa PNP, kasama sa mga brand ng kotse na mainit sa mga mata ng mga carjackers ang: Toyota Vios, Mitsubishi L-300, Honda Civic, Nissan Urvan, Isuzu Crosswind, at Hyundai Starex.

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply