Carjacking sa Metro Manila lumala

INALERTO ni National Capital Region Police Director General Nicanor Bartolome ang kanyang mga tauhan para paigtingin pa ang pagbabantay hinggil sa patuloy na pagtaas ng kriminalidad sa Metro Manila, partikular na ang carjacking na pawang prominenteng tao ang nabibiktima.

Nagpatawag kanina si Bartolome ng command conference sa lahat ng District Director at COP sa kanyang nasasakupan upang bigyan ng babala at tugisin ang mga kriminal na lalong dumadami lalo na sa  Quezon City, Camanava Area at Buong Southern Metro Manila.

Ang utos ay kasunod na rin sa pagkakatagpo sa bangkay ng anak ng abogadong si Atty. Oliver Losano sa Porac, Pampanga, natagpuang sunog makaraang tangayin ang sasakyan nito kamakalawa.

Ikinabahala rin ng ilang motorista ang sunod-sunod na kriminalidad sa mga lungsod na nabanggit dahil na rin sa kakulangan ng mga pulis na nagpapatrulya sa buong Kamaynilaan.

Batay sa rekord ng Pulisya, halos tatlo hanggang apat na sasakyan ang nakakarnap sa buong Metro Manila maging sa mga probinsiya araw-araw, kung saan kinakatay ang mga piyesa o pinapalitan ng plaka upang muling maibenta.

Humingi na rin ng tulong ang buong hanay ng NCRPO sa Highway Patrol Group (HPG) upang tugisin ang mga bigtime carjacker na nagpapalala sa carnapping incident sa bansa. Gaynor Bonilla

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply