Carlo J. Caparas, naghain ng depensa sa DoJ

PERSONAL na naghain ng depensa last Thursday si Direk Carlo Caparas sa Department of Justice (DOJ) kaugnay sa kasong tax evasion na isinampa sa kanya ng Bureau of Internal Revenue.

Kamakalawa ay nagsumite na si Direk Caparas ng kanyang counter affidavit kung saan niya nilinaw na hindi siya umiiwas o tumatakbo sa pagbabayad ng kanyang buwis na nagkakahalaga ng P540 milyon.

Aminado naman si Direk Carlo na mayroon siyang pagkukulang pero naninindigan na wala siyang alam sa demanda laban sa kanya ng BIR noong October 2010.

Pinagbabayad si Direk Caparas ng BIR ng halagang P540 milyong para sa mga hindi nabayarang buwis, surcharges at penalties dahil sa kabiguang magbayad ng tax returns mula 2006 hanggang 2009.

Base raw sa imbestigasyon ng BIR nakatanggap si Direk Caparaz ng halagang P850 milyon mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) bilang kabayaran sa direction at production ng iba`t-ibang television programs.

Pero nabigo raw si Direk Carlo na ideklara ang income at magbayad ng kaukulang taxes kaya idinemanda ng BIR.

Paninindigan naman ni Direk Carlo Caparas: “Wala akong tinatakbuhan.”

RYZA CENON, MAGPAPASEKSI NA

Finally, napapayag na rin si Ryza Cenon na magpaseksi. Sa remake ng Machete ay kakaibang Ryza ang bubulaga sa madla.

Napaka-daring ng role niya sa Machete na dating ginampanan nina Rita Avila at Rosanna Roces. Dito ay kailangan niya ipakita ang kalandian at kaunting skin tulad ng ginawa nina Rita at Osang sa part 1 and 2 ng Machete.

Si Aljur Abrenica ang gaganap na Machete ngayon na unang ginampanan ni Cesar Montano.

“Hindi ko pa po napanood ang unang Machete, pero yung Machete 2 napanood ko. Magkaiba po kasi ang dalawang Machete movies. Sobrang daring po si Ms Rosanna Roces,” say ni Ryza.

“Hindi ko pa napapanood ‘yung version naman ni Ms. Rita Avila. Pero sabi nila magaling daw siya sa movie.

“Magaling po si Ms. Rosanna at sobrang sexy siya sa Machete 2. Parang hindi ko po kaya ang ganoon ka-sexy na pagganap. Siguro gagawa na lang ako ng sarili kong interpretasyon sa role ko as Maria. May limitasyon pa rin ang pagpapaseksi ko kasi may mga batang manonood ng series namin,” say pa ni Ryza na gumanda at sumeksi ngayon.

************

Ngayong Linggo sa Ripleys Believe It Or Not maniniwala ka ba, dahil sa hindi pangkaraniwang sakit ng batang babae, kailangan tanggalin ang kalahating utak para mabuhay! Mag-asawa hindi aso o pusa ang alaga sa bahay kundi siyam na baboy! Tatay, dahil sa karamdaman lumaki ng sobra-sobra ang kanang kamay! Lalake gagawa ng bagong Ripley`s record-ibabato pataas hanggang 90 feet at babae gagawing modelo ng isang miniature statue na gawa sa chocolate.

Mahirap paniwalaan at imposible pero lahat ng yan ay masasaksihan ngayong LInggo sa Ripley`s Believe It Or Not hosted by Chris Tiu sa QTV 11.

*************

May potential na maging jukebox queen ang bagong alaga ni Lito de Guzman na si Lyka Soledad. Matangkad, morena beauty at higit sa lahat sexy na may boses talagang maipagmamalaki.

Nakatsikahan namin si Lyka last Thursday at ayon sa seksing singer nangarap siyang maging isang international singer din tulad nina Lea Salonga at Charice Pempengco.

Paborito niya sina Lani Misalucha at Claire dela Fuente pagdating sa pagkanta pero may sarili raw siyang style ng pagkanta.

Natuklasan siya ng kanyang manager sa Casino Filipino, Tagaytay. Inalok na i-handle ang kanyang singing career at kaagad naman niyang tinanggap dahil pangarap niyang maging recording star.

Natatandaan pa raw niya noong nagsisimula pa lang siya ay kanta siya ng kanta kung saan-saan lugar na libre.

Kumanta rin raw siya sa rally noon ni former President Cory Aquino dahil close daw ng magulang niya ang namahala ng rally noon ni former President Aquino.

Dahil pangarap talagang maging sikat na singer, hindi na niya tinatanong kung babayaran siya sa lugar na pagkakantahan.

Hangad niya ay exposure para makakuha ng tamang panahon na magbibigay sa kanyang ng pagkakataon matupad ang pangarap. Gerry Ocampo

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply