Carlo J. Caparas, wanted pa rin sa DOJ

HINDI pa rin nagpapakita sa Department of Justice (DoJ) ang kilalang direktor at national artist na si Carlo J. Caparas upang harapin ang kanyang multi-million tax evasion case na isinampa ng Bureau of Internal Revenue (BIR), kahit nagbabala ni Senior State Prosecutor Rosanne Elepano-Balauag sa piskal na humahawak sa kaso.

Banta ni Elepano-Balauag na kung hindi pa rin makapagbibigay si Caparas ng kanyang kontra salaysay ay reresolbahin na ang kaso batay sa nakasampang argumento laban dito. That means, posibleng may tulog ang hari ng komiks na hubby ni Miss Donna Villa.

Si Caparas ay nahaharap sa 64 na bilang ng tax evasion dahil sa hindi pagbabayad ng buwis na aabot ng P540.2 million (inclusive of surcharges and penalties). Ang laki, day, at talaga namang nakakalula.

Ang gusto lang malaman ng kanyang mga tagahanga — isa na ako doon dahil sa totoo lang, frustration ko talaga ang pagsusulat sa komiks — talaga bang kinita niya ang ganoon kalaking halaga sa komiks at sa pagdidirek? Hindi ba napakalaki naman yata ng tax? Correct me if I am wrong, di ba10% dapat ang income tax? umabot ba sa five billion ang kinita niya? Mas mayaman pa yata siya kay Manny Pacquiao. Hindi ba napaka-unfair naman!!! Si Pacman, yumaman nga pero sangrekwang suntok ang inabot. Si Carlo J., nagdirek lang at nagsulat, naging billionaire? Something must be wrong here. At sino kaya ang nagkamali, yung mga accountant, si Caparas, o ang BIR?

Sa  naganap na hearing noong December 2 ng nakaraang taon hinggil sa nasabing tax evasion case, ang abogado lamang daw ni Caparas na si dating Justice Manuel Lazaro ang humarap sa mga tauhan ng DoJ. Wala raw kasi sa  Pilipinas ang kaniyang kliyente noong inilabas ang subpoena kaya hindi ito natanggap ng personal dahilan upang hindi makarating sa pagdinig. Well, abangan na lamang natin ang mga susunod na kabanata. Neneth Villafania

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply