Carnapping wala nang piyansa

MATAPOS mapaulat na 19 beses nang nakakapag-piyansa ang magkapatid na Roger at Raymond Dominguez dahil sa  carnapping, inihayag ni Senator Ramon Bong Revilla Jr., na maghahain siya ng panukalang batas upang gawing non-bailable ang nasabing kaso, iniulat Sabado.

Ayon kay Revilla, maliwanag na sinasamantala ng mga carnappers ang kasalukuyang Republic Act 6539 o Anti-Carnapping Law  kaya wala silang takot na paulit-ulit na gawin ang krimen.

Naniniwala si Revilla na posibleng hindi na umabot sa  19 ang kasong kinaharap ng magkapatid na Dominguez na idinadawit ngayon sa pagpatay kina Emerson Lozano at Venzon Evangelista kung hindi sila napayagang magpiyansa sa mga naunang kaso na kanilang kinasangkutan.

Sinabi pa ni Revilla na siguradong mababawasan ang kaso ng carnapping at carjacking sa bansa kung maaamiyendahan ang batas at mapapatawan ng mas mahigpit na parusa ang mga nagkasala.

Nauna rito, mismong ang Malacañang ang nagpahayag na nasa kamay ng mga mambabatas kung aamiyendahan ang batas upang hindi makapag-piyansa ang mga nasasangkot sa carnapping.

Sinabi ni  Presidential spokeswoman Abigail Valte, ang executive branch ang nagpapatupad ng batas at dapat umanong iparating sa lehislatura ang panawagan na Republic Act 6539 o Anti-Carnapping Law.

Lumutang ang posibilidad na maamiyendahan ang RA 9539 matapos ihayag ng ama ni Evangelista na gawing non-bailable ang kaso ng carnapping. Ernie Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply