Cebu at Mandaue City, under state of calamity na

ISINAILALIM na sa state of calamity ang Cebu at Mandaue City makaraang ragasain ng malakas na ulan na nagdulot ng pagbaha noong mga nakaraang araw.

Batay sa report ng dzBB sa Cebu, inaprubahan na ng mga opisyal ng siyudad na ideklara na ang state of calamity.
Dahil dito, maaari nang makakuha ng calamity fund ang naturang mga lungsod.

Samantala, magtutulungan naman ang dalawang siyudad upang maresolba ang kanilang problema lalo na sa pagbibigay ng mga relocating areas para sa mga naapektuhan ng pagbaha.

Matatandaang binaha ang dalawang lungsod bunsod ng malakas na pag-ulan noong Martes. Marj Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply