Celtics, binuhat ni Shaq

KABABALIK lang ni Shaquille O’Neal sa Boston Celtics kaya nagpakitang gilas agad siya.

Sa tulong ni Shaq kahit may injury, natalo ng Boston ang Charlotte Bobcats 99-94 bagama’t mahina ang kanilang puwersa.

“Shaq wants to play, but he doesn’t want to play 35 minutes,” ayon kay Boston coach Doc Rivers.

Samantala, dinurog ng San Antonio Spurs ang Dallas Mavericks 101-89 at iginawad nito ang ika-apat na sunod na talo.

Si Tony Parker ay kumana ng 18 points habang si DeJuan Blair ay nakadale ng 18 points at 13 rebounds.

Pinasadsad naman ng New York Knicks ang Sacramento Kings kung saan natapos ang kanilang three-game losing streak nang kanain ang 93-83 victory.

Giniba rin ng Utah Jazz ang Cleveland Cavaliers sa iskor na 121-99 habang sinuwag ng Chicago Bulls ang Indiana Pacers 99-86.

Kasabay nito, pinitpit naman ng New Orleans Hornets ang Houston Rockets sa pamamagitan nang pagposte ng iskor na 110-105 sa overtime.

“When we were down 13,” wika ni Chris Paul matapos ang laro at idinagdag na, “I turned to (backup forward) Quincy Poindexter and said, ‘Watch this, we’re going to come back and win.”

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply