Celtics nakaligtas sa Magic

HINDI mukhang may injury si Kevin Garnett at naitaas ng Boston Celtics ang 109-106 win laban sa Orlando Magic.

Ang Celtics forward ay kababalik lang matapos mawala ng siyam na laro dahil sa injury sa hita.

Siya ay nakatipa ng 19 points, kasama ang walong rebounds at isang key steal may 16 seconds ang nalalabi sa laro.

”These last two weeks have been dark days for me. Being hurt is not one of my favorite things,” wika ni Garnett.

“I’ve been doing a lot of things to get back here and get strong, and I was glad I was able to come out here and help my team out.”

Samantala, giniba ng Los Angeles Clippers ang Indiana Pacers sa iskor na 114-107 habang tinalo rin ng Phoenix Suns ang New York Knicks 129-121.

Suwag din ang inabot ng Memphies Grizzlies sa Chicago Bulls 96-84 at pinukpok din ng Detroit Pistons ang Dallas Mavericks 103-89. Gilbert Perdez

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply