Celtics pinasabog ng Rockets

NABIGO si Boston Celtics coach Doc Rivers na maayos ang puwersa ng kanyang team laban sa Houston Rockets kahit kulang ang huli sa tao.

Dahil sa pagwawala ni leading scorer Kevin Martin, napasabog ng Rockets ang Boston sa pamamagitan ng iskor na 108-102.

Dahil sa panalong iyon, nasira ng Rockets ang kanilang five-game losing streak.

Samantala, muli na namang nagpakitang gilas si Charlotte Bobcats head coach Paul Silas matapos matulungan ang Charlotte na matalo ang Memphis Grizzlies 96-82 kahapon.

Si Stephen Jackson na umiskor ng 27 points ay nagsabi na natuwa siya sa 1,000 fans na naghiyawan sa kanilang tagumpay.

“We knew we had a job to do, that’s come out and play and get a win regardless,” sabi ni Jackson. “You can’t expect everybody to come out in his weather and drive.”

Kasabay nito, nagpamalas uli ng bagsik si Derrick Rose nang isulong tungo sa panalo ang Chicago Bulls laban sa Detroit Pistons 95-82 habang sina LeBron James at teammate Dwyane Wade ay kuminang na naman sa pagsikwat ng Miami Heat ng 107-100 victory laban sa Portland Trail Blazers sa overtime.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply