Celtics rumesbak sa Raptors

NAKABAWI na naman ang Boston Celtics ng magbalik si Rajon Rondo sa lineup matapos nilang ipahiya ang Toronto Raptors.

Si Paul Pierce ay umiskor ng 30 points habang si Ray Allen ay nagdagdag ng 23 kung saan nasikwat nila ang 93-79 victory laban sa Toronto.

“With him, because he knows everything we run, we were back into running stuff we’d basically put into hibernation while he was out,” wika ni Boston coach Doc Rivers. “You just see how comfortable Paul and Ray were.”

Samantala, nagtuwang naman sina Joe Johnson at Josh Smith sa rally ng Atlanta Hawks kontra Los Angeles Clippers at naitipa nila ang panalong 107-98 habang si Amare Stoudemire ay humataw sa wagi ng New York Knicks laban sa Indiana Pacers 98-92.

Kasabay nito, ikinatuwa naman ni Dallas Mavericks coach Rick Carlisle ang panalo nila laban sa Cleveland Cavaliers 104-95 kung saan si Shawn Marion ay kumana ng 22 points at si DeShawn Stevenson ay nag-ambag pa ng 21. Gilbert Perdes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply