Cha-cha, mapanganib pa rin – Colmenares

NANINIWALA si Bayan Muna Rep. Neri Colmenares na nananatiling mapanganib ang pag-amyenda sa Saligang Batas.

“Charter change is still very dangerous. We hope that Pres. Aquino will not support the Cha-cha resolution filed by Rep. Glori Arroyo,” ani Colmenares.

Nagbabala ang mambabatas na wala aniyang pinag-iba ang motibo ng Cha-cha.

“The hidden agenda is still the same. They want to amend the Constitution to eliminate term limits for local, if not national politicians, and eliminate economic provisions that protect the Filipino people from political and economic
control by marauding foreigners such as those that prohibit aliens from owning lands or Filipino corporations,” paliwanag ni Colmenares.

Binigyang diin pa n’ya na ang suliranin ng kahirapan at kawalan ng hustisya sa bansa ay hindi bunga ng makalumang konstitusyon kung hindi ng talamak na korapsyon at pang-aabuso ng mga opisyal ng bansa.

Kabilang din aniya sa pinagmumulan ng problema ng lipunan ay ang kabiguan  ng gobyerno na imbestigahan at ipakulong ang mga taong lumabag sa batas. Meliza Maluntag

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply