Chacha muling iinit sa Kamara

MULING umusbong sa Kamara ang pagsusulong sa Charter Change matapos tiyakin ni Pangulong Benigno Aquino III na hindi na siya kakandidato o hahawak ng anumang posisyon pagkatapos ng 2016.

Kabilang sa mga kongresistang nagnanais na magsulong ng Chacha sa pamamagitan ng constitutional convention (con-con) ay sina Reps. Ben Evardone (Eastern Samar), Rep. Karlo Alexei Nograles (Davao City), Roger Espina, (Biliran), Dan Fernandez (Laguna) at Rene Relampagos (Bohol).

Ayon kay Evardone, ngayon ang aniya’y “golden opportunity” upang muling buhayin ang isyu ng Chacha na naudlot sa panahon ng administrasyong Arroyo.

“With PNoy’s declaration that he will not run for public office in 2016, I think
this is the best time to start the national debate on Cha-cha,” sinabi ni Evardone.

Binigyang diin pa ni Evardone na hindi aniya dapat makinabang sa Chacha partikular sa pagpapalawig ng termino ang mga kasalukuyang miyembro ng Kamara, Senado at mga local na opisyal.

“Con-con should be the mode so as not to disrupt the legislative work of Congress. Con-con should focus on economic provisions for investments and employment,” sinabi pa ni Evardone na matagal ding nagging kaalyado ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na ngayon ay kinatawan na ng Ikalawang Distrito ng Pampanga.
Samantala, tiniyak naman ni House Speaker Feliciano “Sonny” Belmonte Jr., miembro ng Liberal Party na tatalakayin ng komite ang ukol sa chacha kabilang na ditto ang panukalang inihain ni Ginang Arroyo.

“Well it’s there and we do have a committee on constitutional amendments. I think that committee will tackle it,” ayon kay Belmonte.

Sa ngayon ay may mga nakahain pang panukala ukol sa pagpapalit ng kunstitutsyon kabilang dito ang House Resolution (HR) No. 8 nina Ginang Arroyo at Camarines Sur Rep. Diosdado “Dato” Arroyo na nagsusulong na amiendahan ang 1987 Constitution sa pamamagitan ng Con-Con.  Meliza Maluntag

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply