Chairman at CEO Miss World Julia Morley gandang-ganda kay Ruffa

HINDI nabigyan linaw kung bakit tinanggal ng Miss World organizer ang franchise nito sa  Bb. Pilipinas Charity dahil ang franchise nito ngayon ay ipinagkatiwala kay Miss Cory Quirino.

Humarap kamakalawa si Ms, Julia Morley, Chairman and CEO of Miss World sa ilang press kasama ang reigning Miss World na si Alexandra Mills from USA at first runner up Emma Wareus from Botswana para sabihin na starting today ay ipinagkakaloob niya ang exclusive franchise holder ng Miss World kay Miss Quirino.

Nakita raw kasi ni Julia ang golden heart ni Cory na tunay na may malasakit sa mga mahihirap na tao kaya dito niya ipinagkaloob ang exclusive franchise holder ng Miss World.

Sabi naman ni Miss Cory Quirino, sisiguruhin nila na maganda, matalino at matangkad ang quality ng magiging candidate sa Miss World na possible raw gawin nila sa August or September ng taon.

Dumalo rin sa okasyon si Ruffa Gutierrez na Miss 2nd Princess sa Miss World at Evangeline Pascual 1973 Miss Philippines World.

Humanga si Ms. Julia sa ganda ni Ruffa, ang Miss World 2nd Princess titlist noong 1993. Bakas na bakas sa mukha ng Chairman at CEO ng Miss World ang sobrang galak sa muli nilang pagkikita ni Ruffa makalipas ang labingwalong taon.

Samantalang nagulat din ang mga press nang malaman nilang 80 years old na si Ms Julia dahil bukod sa maganda pa rin ito ay maliksi pa rin ito at wala sa mukha niya ang tunay na edad.

Dalawang araw lang namalagi ng Pinas si Ms. Julia pero nagkaroon sila ng panahon nina Alexandra at Emma na dalawin ang mga pasyente ng Philippine General Hospital, Ospital ng Makati at ang mga bata na tinutulungan ng Tuloy Street Children Foundation. Ang tatlong institution ang tinutulungan ng Miss World Organization.

*************

Sa Sabado ng gabi ibabalik ng Comedy Bar ang ratratan at kantahan kasama ang nag-iisang rock star ng si Pepe Smith.

Ang cast ng I Love U Pare na sina Ehra Madrigal at Luane Dy ang maglalaro sa game na Idikit Mo Sa`Yo. Si Fabio Ide magbibigay ng kaalaman at anong suwerte ngayong tao sa feng shui.

Ipakilala sa CB ang talented singer na si Hazel Velasco at alamin ang istorya ng buhay niya. Ang “Joke Call-In” segment at ang mga stand up comedin na magpapatawa.

Samahan sina Allan K, Eugene Domingo, Beergins at Six Feet Long band ngayong Sabado ng gabi sa GMA 7. Gerry Ocampo

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply