Chavez magbabalik sa Enero 29

MULING sasampa ng ring si undefeated at world ranked Julio Cesar Chavez Jr. sa Enero 29 sa Culiacan, Sinaloa, Mexico.

Siya ay sasagupa kay Billy Lyell kung saan ito ay itinuturing na magandang homecoming ng anak ng alamat na huling lumaban dito apat na taon na ang nakararaan.

“It has been a long time since I fought home and I am looking forward to give the fans a fight to remember. It’s always important to give the fans a great show, but when you are home the expectations are even greater,” pahayag ni Chavez Jr.

Ang laban nina Chavez Jr. (41-0-1, 30 KO’s)  at Lyell (22-8, 4 KO’s) ay paiikutin ng 10 round sa main event ng boxing card na alay niya sa amang si Julio Cesar Chavez Sr.

Naniniwala naman si Lyell na mananalo siya at hindi niya ito sasayangin kahit may respeto siya sa kampeon.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply