Chief Joesan nakalalamang sa 3YO race

ISA sa tatangkilikin ng mga karerista bukas, Biyernes,  ang Three-year-old Conditions B-1-2-C na gaganapin sa Sta. Ana Park sa Naic, Cavite.

Limang mga batang kabayo ang mag-uunahan upang sungkitin ang added prize na P20,000 na inisponsoran ng Philippine Racing Commission (PHILRACOM).

Si Chief Joesan ang inaasahang magiging liyamado sa laban dahil sa pagpili sa kanya na pang-primera ng mga karera tipster at maging ang kanyang tiyempong 1:18 sa 1,300 meter race na maaaring pagbasehan ng mga karerista.

“Maganda ang best time niya (Chief Joesan) tapos nagpanalo pa ang kuwadra niya noong Miyerkules kaya pihadong may suwerte pa rin sila,” paliwanag ni Berto Reyes, isang karera tiyempista.

Gagabayan ni class C rider Jordan B. Cordova si Chief Joesan kung saan ay makakaharap nito sina Whistler, ang galing sa panalong si Dear John, sweepstakes contender Lexibonn at Sugar Claze na sasakyan ni star jockey Jonathan B. Hernandez.

Samantala, planong itarak ni Getting Better ang ikalawang sunod na panalo sa magaganap na 1,000 meter race ng Special Class Divisions 13-B.

Rerendahan ni many-time Philippine Sportswriters Association (PSA) jockey-of-the-year awardee Patty Ramos Dilema si Getting Better na naipanalo niya sa huling takbo nito noong Enero 13 sa kabilang pista.

Ang ibang kalahok ay sina Arithmetic, Exquisite, Lara Downs, Key Victory at Schematics. Elech Dawa

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply