Cimatu huwag munang gambalain sa “pabaon”– Valte

NAKIUSAP si Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na huwag munang gambalain si special envoy on Middle East Preparedness Committee Roy Cimatu at tapusin muna ang kanyang trabaho sa Egypt.

Ginawa ni Valte ang pakiusap sa gitna ng pagkakadawit ni Cimatu na umano’y nakinabang ito ng “pabaon” system sa AFP.

Nabatid kay Valte, na patungo na si Cimatu sa Egypt para personal na siyasatin ang kalagayan ng mga OFW na naiipit sa kaguluhan sa naturang bansa.

Siniguro ni Valte na hihingin ang paliwanag ni Cimatu sa naturang akusasyon sa tamang panahon lalo pa’t nananatiling alegasyon pa lamang ang pagkakadawit ni Cimatu.

“I think we’ll let Ambassador Cimatu answer that… those particular allegations. But at the moment, Amb. Cimatu is on his way to Egypt as part of the three-man crisis team that the Department of Foreign Affairs put together, along with Undersecretary Foz. I believe he is en route to Egypt from Afghanistan,” ayon kay Valte. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply