CLOA nakamit na ng mga magsasaka

NAGAGALAK ngayon ang mahigit na 2,000 magsasaka sa Agusan del Norte at Agusan del Sur makaraang matanggap na nila ang kanilang certificate of land ownership awards (CLOAs) mula sa Department of Agrarian Reform (DAR).

Nabatid na may 472 agrarian reform beneficiaries (ARBs) ang naghati-hati sa 760 ektaryang sakahan sa Las Nieves, Agusan del Norte habang 2,517 magsasaka naman ang may bahagi sa 2,478 ektaryang lupa sa Sibagat, Agusan del Sur.

Kaugnay nito, hinimok ni DAR Regional Director Faisar Mambuay ang mga benepisaryo na sumailalim sa mga pagsasanay pang-agrikultura na inilalaan ng kagawaran para makatulong sa mga magsasaka na mapataas ang kanilang ani ngayong susunod na crop season.

“This is part of our commitment to improve our farmers’ lives. If the farmers improve, the community will, too,” sabi pa ni Mambuay.

Nagmula sa Katimalibon at Rossanim agrarian reform communities (ARCs) ang 472 ARBs sa bayan ng Las Nieves at nakakuha pa sila ng karagdagang biyaya nang makipagkasundo ang Del Monte Corporation at La Agusana Fruit International sa kanilang hanay. Desidido rin ang pamahalaang bayan na gawing world class na plantasyon ng saging ang nasabing lugar.

“Del Monte and La Agusana Fruit International and the two ARCs would become trading partners with the multinational corporations becoming sole buyers of the farmer-beneficiaries’ harvests,” ayon naman kay Agusan del Norte Governor Reinario Rosales.  Robert C. Ticzon

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply