Coach McMenemy sinibak sa Azkals

SINIBAK na bilang coach ng sumisikat na Philippine Football Team o Azkals si Simon McMenemy dahil sa kawalan ng lisensiya para mag-coach.

Ayon kay Philippine Football Federation (PFF) Pres. Mariano “Nonong” Araneta, pinalitan na nila si McMenemy bilang coach dahil wala itong coaching certificate para maging ganap na coach ng Azkals sa gaganaping Asian Football Confederation Challenge Cup (AFC) sa susunod na buwan.

Magiging kapalit ni McMenemy si German coach Hans Michael Weiss.

Para maging national coach ng AFC kailangan ng type “B” na lisensiya mula sa UEFA, ang European football governing body at ito ang wala kay McMenemy.

Kaugnay nito, humihingi naman ng paumanhin si Philippine team manager Dan Palami kay McMenemy dahil sa ginawang pagpapalit sa kanya na wala man lamang pasabi.

Nauna nang naiulat na posibleng hindi na makabalik si McMenemy bilang coach ng national football team dahil sa wala itong lisensya galing sa European Football Association   na siyang requirement ng AFC para sa mga foreign coaches.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply