NPA leader tiklo sa Quezon

TIKLO ng security forces ang isang mataas na communist leader sa lalawigan ng Quezon sa southern Luzon, Martes ng gabi.

Sa bisa ng 23 warrant of arrest, nahuli ng mga pulis at militar si Tirso Alcantar a.k.a. “Ka Bert”, kasama ang isang “Polly” (Apolonio Cuarto), sa Barangay village Ibabang Iyam , Lucena City bandang 8:30 p.m.

Narekober kay Alcantara ang kalibre .45, dalawang magazine na kargada ng 14 ammunition, dalawang granada, 9 na piraso ng blasting caps, at detonation cord na may haba ng limang metro.

Batay sa ulat, nanlaban pa umano si Alcantara kung kaya nasugatan pa ito sa kanyang bandang puwitan kung saan kaagad na isinugod sa Southern Luzon Command Hospital habang ang kasamahan naman niyang si Polly ay dinala sa Quezon Provincial Police Headquarters.

Si Alcantara  ay Kumander ng New People’s Army sa Southern Tagalog regional operational command.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply