Community service sa madungis, tamad, late at bastos na pulis

MAKARAAN ang sunud-sunod na batikos sa tamang asal ng mga miyembro ng Philippine National Police (PNP), ipatutupad na ng National Police Commission (Napolcom) ang memorandum circular na maaaring isumbong ng mga sibilyan para maparusahan ng serbisyo-komunidad ang mga pulis na wala sa tamang bihis, madungis, bastos, laging late at tamad.

Batay sa memorandum circular 2010-003 na inaprubahan noong Setyembre 30, 2010, layunin ng “Delinquency Reporting (DR) system” ng PNP na magkaroon ng ‘sumbungan’ ang mga sibilyan at maging mga kapwa pulis laban sa mga pasaway na miyembro ng kapulisan.

Kabilang sa mga “minor offenses” ang paglabag sa “Tamang Bihis” o ang hindi pagsusuot ng tamang uniporme, mahabang buhok, may balbas at bigote; palagiang late sa trabaho at aktibidad; paninigarilyo sa ipinagbabawal na lugar; paglabag sa batas trapiko; pagdura at pag-ihi sa pampublikong lugar; pagtulog habang nakaduty; at ang mabagal o hindi pag-aksyon nang kagyat sa mga sumbong buhat sa publiko.

Ang bawat paglabag ay may katumbas na mga ‘demerits’ at kung umabot na sa 15 demerits ay mapapatawan na ang mga pasaway na pulis ng parusang community service.

Kasama sa mga nakalaang parusa ang paglilinis sa mga pampublikong lugar, pagtatanim ng puno, pagsama sa information campaign at iba pang proyekto ng PNP.  Isasagawa ang community service tuwing “rest day” ng maparurusahang pulis at nararapat nakasuot ng “athletic uniform”.

Sa ilalim ng DR system, maaring kumuha “complaint sheet” ang mga nais magreklamo sa istasyon ng pulisya.  Kinakailangan na punuan ang lahat ng impormasyon dito tulad ng oras, lugar at petsa ng paglabag ng pulis at
kung maaari ay ang maglagay ng ebidensya.  Bibigyan naman ng 24 na oras ang inirereklamong pulis upang magbigay ng kanyang panig. Johnny F. Arasga

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply