Concon pinasisimulan na sa Kamara

INUDYUKAN ni Kasangga Partylist Rep. Teodorico Haresco ang liderato ng Kamara na magkaroon na ng posisyon ukol sa charter change.

Aniya matagal nang pinagdedebatehan ang ukol sa cha-cha at hayaan na lamang na umiral ang constitutional convention matapos ang halalan sa 2013 sa pagsasabing “the time has come for Congress to make a stand.”

“Convening a constitutional convention following the 2013 elections will not in any way prejudice Congress’ resolve to pursue reform legislation in support of the government’s development agenda,” sinabi pa ng mambabatas.

Naniniwala si Haresco na ang 2013 ang tamang panahon para sa Concon sa anumang anumang pagsusulong na repormahin  ang kunstitusyon.

Inihalimbawa nito ang salaping inire-remit ng may 1.9 milyong overseas Filipino workers (OFW) na umaabot sa mahigit USD17.3 bilyon noong 2009 subalit walang malinaw na nakasaad sa Konstitusyon kung ano ang tulong na dapat ibigay ng gobyerno sa mga tinaguriang bagong bayani na nagligtas sa Pilipinas sa naganap na  global financial crisis.

Binanggit din ni Haresco ang probisyon na nagbabawal sa mga dayuhan na magmay-ari ng mga lupain sa Pilipinas at kung mababago lamang ito ay maaaring maraming mamumuhunan pa ang dumayo sa bansa. Meliza Maluntag

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply