Congressman na nambastos ng PAL employee kinasuhan sa Ombudsman

PATONG-patong na kaso ang isinampa laban sa isang kongresista na nambastos sa empleyado ng Philippine Airlines (PAL) noong bago mag-Pasko, Martes ng umaga

Asuntong grave slander, serious misconduct, grave abuse of authority at conduct unbecoming of a high-ranking public official ang ikinaso sa Office of the Ombudsman ng PAL customer service agent (CSA) na si Sarah Teresa Bonnin Ocampo laban kay Congressman Eulogio “Amang” Magsaysay.

Nag-ugat ang insidente sa malisyoso umanong pagkilos ni Magsaysay na nagbitaw ng mapang-abuso, nakasasakit at nakakainsultong mga pahayag laban sa nagrereklamo.

Hiniling din ng complainant na magsagawa ang tanod bayan ng paunang imbestigasyon sa kaso at magpalabas ng subpoena laban sa akusado at subpoena duces tecum at ad testificandum naman para sa MIAA Security Office ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Centennial Terminal II.

Nais din ng nagrereklamo na maobliga ang NAIA security na gumawa ng blow-by-blow incident report at magprisinta ng sertipikadong kopya ng CCTV recording ng tunay na pangyayari.

Matatandaang naging kontrobersiyal si Magsaysay nang magbitaw siya ng nakakainsultong pananalita laban kay Ocampo nang hindi siya mapagbigyan ng PAL employee na makalipat ng upuan sa business class ng eroplanong bibiyahe papuntang Los Angeles, California, USA nang gabing iyon.

Kalakip ng pormal na reklamo ni Ocampo ang salaysay ng mga nakasaksi sa insidente na pinangungunahan nga ni Ma. Kristina Novicio na isang ring CSA agent. Robert C. Ticzon

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply