Cotto pagreretiruhin ni Margarito

KUMPIYANSA si dating world welterweight champion Antonio Margarito na tatalunin pa rin nya si  WBA junior welterweight champion Miguel Cotto sa kanilang rematch sa Hunyo.

Matatandaang pinabagsak ni Margarito si Cotto sa 11th round noong 2008 sa una nilang pagharap sa welterweight division ngunit lumabas ang pagdududa na nadaya rin si Cotto matapos mahuli itong gumamit ng plaster of Paris sa laban nila ni Sugar Shane Mosley.

Naghihintay na lamang si Margarito ng go signal mula sa kanyang mga doctor kung pwede na muli syang makapag-ensayo pagkatapos na maoperahan sa mata pagkatapos ng kanilang laban ni 8-division world champion Manny Pacquiao.

Si Cotto ay may nakatakdang tune-up match kay dating world boxing champion Ricardo Mayorga, kung saan inaasahan na ang kanyang panalo, kung kaya’t inihahanda na rin ang rematch nila ni Margarito.

“I’m waiting to see what the doctors say so I know when to begin training. What happened the first time is the same thing that will happen in the rematch,” pahayag pa ni Margarito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply