Crew inaresto ng bisor

KALABOSO ang isang crew ng  burger stand matapos mahuli sa akto ng kanyang supervisor na kinukupit ang perang kinita ng  tindahan sa San Miguel, Maynila.

Kinilala ang suspek na si Mark Acusin, 21, crew ng Angel’s Burger CEU Branch sa San Miguel Maynila, at residente ng 701 Galicia st., Sampaloc, Maynila.

Ang pagkakaresto sa suspek ay dahil na rin sa reklamo ng kanyang bisor na si Jose Glenn San Joaquin, 54, ng 49 Matipid st.,Sikatuna Village, Quezon City.

Sa sinumpaang salaysay ni San Joaquin sa pulisya, naganap ang insidente dakong 5:00 p.m. sa Angel’s Burger CEU Branch kamakalawa

Nagtungo umano siya sa kanilang branch nang matiuempuhan ang suspek na binubuksan ang drop box na kinalalagyan ng perang kinita ng burger stand na tinatayang nasa P4,614.

Dahil dito, agad ipinagbigay alam ng bisor ang pangyayari sa may-ari ng Angel’s Burger CEU Branch na sina Jerwin at Abigail Mance, dahilan kaya dinala ang salarin sa himpilan ng Manila Police District (MPD)-Station 8. Jocelyn Tabangcura-Domenden

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply